ARESTADO ang isang Australian national matapos makumpiskahan ng mahigit apat na kilo ng shabu sa International arrival area ng Ninoy-Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa NAIA- Inter-Agency Drug Interdiction Trask Group, naaresto ang suspect na si alyas Leon, 63, dakong 7:15 ng gabi.
Galing ang suspect sa Johannesburg, South Africa at may connecting flight sa Hong Kong.
Nakuha mula sa suspect ang isang itim na backpack na may dalawang kahon ng shabu na nagkakahalaga ng P27.2 milyon, personal na gamit tulad ng notebook, mga susi, calculator , at mga barya.
Mahaharap ang suspect sa paglabag sa section 4 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Isusumite naman ang nakumpiskang droga sa kaukulang forensic laboratory para sa qualitative at quantitative examination.
The post Australyano huli sa 4 na kilo ng shabu sa NAIA T3 appeared first on Journal News Online.