7 patay sa landslide sa Davao Or., Davao de Oro

PITONG miyembro ng dalawang pamilya ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng landslide sa Davao Oriental at Davao City dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng shearline.

Sa Barangay Salazar, Mati City, patay ang mag-asawa at dalawa nilang anak makaraang matabunan ng lupa ang kanilang bahay Biyernes ng umaga.

Na-recover ang katawan ng mga biktima ng mga rumespondeng rescue team.

Tatlong miyembro din ng isang pamilya ang nasawi sa landslide sa Purok 5, Barangay Rizal, Monkayo, Davao de Oro.

Sa inisyal na ulat, isa ang bahay ng mga biktima sa mga bahay na natabunan ng lupa dahil sa landslide sa lugar.

Pasado alas-dos ng madaling araw ay na-recover ang bangkay ng mag-ama habang dakong 7:00 na ng umaga nang makita ang isa pang bangkay ng bata.

Pansamantala namang inilikas sa evacuation center ang mga apektadong pamilya at patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon sa lugar.

Patuloy ding pinag-iingat ang mga residente sa lugar at pinayuhang maging alerto sa lahat ng oras.

The post 7 patay sa landslide sa Davao Or., Davao de Oro appeared first on Journal News Online.

About admin