NAGBIGAY ng limang de-bateryang ultra-portable artificial intelligence (AI) X-ray units ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine Navy (PN) para gamitin sa mga emergency situation.
Tinanggap ni Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta kay PCSO General Manager Melquiades Robles ang limang units na makakapaglabas ng resulta para sa pagsusuri na tiyak na magpapalakas sa kakayahang medikal ng Philippine Navy.
Sinabi ni GM Robles na malaki ang papel na ginagampanan ng Navy sa pagbabantay sa karagatang sakop ng Pilipinas kaya’t bilang sangay ng pakikidigmang pandagat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nararapat lang na matiyak ang kanilang kahandaan sa medikal na pangangailangan ng kanilang mga tauhan.
Ipinaliwanag ni Robles na ang donasyon na pinondohan sa pamamagitan ng Medical Equipment Donation Program (MEDP) ay resulta ng direktang suporta ng publiko sa mga gaming products ng PCSO.
“At PCSO, every peso has a purpose. We are prioritizing partnerships that save lives in remote areas.
This is the first of its kind in the entire AFP, and it ensures our sailors and marines have top-tier diagnostics even in the middle of the ocean,” pahayag ni GM Robles.
Sinabi ni Vice Admiral Espeleta na kapuri-puri ang PCSO dahil sa donasyon nito.
The post 5 AI X-ray units ibinigay ng PCSO sa Philippine Navy appeared first on Journal News Online.