LIMAY, Bataan–Kahong-kahon na smuggled cigarettes ang nakumpiska ng mga pulis noong Huwebes sa Ambrocio St., Brgy.
Townsite sa bayang ito at nahuli din ang isang suspek sa likod ng smuggling.
Nahuli sa aktong nagbebenta ng smuggled na sigarilyo ang 49-anyos na suspek sa entrapment ng Limay police.
Hindi naiulat kung magkano ang halaga ng nakumpiska pero maraming kahon at ilang rims ang nakumpiska ng pulis mula sa suspect.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabagsa RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
The post Suspek sa yosi smuggling nadakip appeared first on Journal News Online.