Ramadan sinalubong sa Laguna

MAHIGIT 13,000 Muslim sa Laguna ang sumalubong sa Ramadan noong Pebrero 18.

Maliit man ang porsyento kumpara sa kabuuang populasyon ng probinsya, aktibo at nagkakaisa ang komunidad ng mga Muslim na karamiha’y nasa Calamba, Biñan, at Santa Rosa.

Bilang paggunita sa Ramadan, nagsasagawa ng pag-aayuno, pananalangin, at kawanggawa ang mga Muslim sa buong lalawigan.

Ang banal na buwang ito ay panahon ng pagninilay, disiplina at pagpapalalim ng pananampalataya kay Allah.

Nagkakaroon din ng sama-samang iftar at pagtitipon sa mga masjid at komunidad bilang simbolo ng pagkakaisa at kapatiran.

The post Ramadan sinalubong sa Laguna appeared first on Journal News Online.

About admin