PATAY ang airport manager ng Puerto Princesa City, Palawan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect nitong Miyerkules ng hapon.
Nakilala ang biktima na si Joanna Jonson Infante.
Batay sa ulat ng Puerto Princesa City City Police Office, naganap ang pamamaril dakong 5:28 ng hapon sa Bayview Road sa Barangay San Pedro sa nasabing siyudad.
Batay sa CCTV footage, naglalakad ang biktima patungo sa simbahan nang lapitan ito ng suspect mula sa kanyang likuran at binaril ng madaming beses.
Naisugod pa ang biktima sa pagamutan subalit hindi na nailigtas ang kanyang buhay.
Agad namang nanawagan ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa PNP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang maaresto ang nasa likod ng pamamaril.
Nakiramay din ang CAAP sa naiwang pamilya ng biktima.
“Our thoughts and prayers are with her and her loved ones during this critical time. We trust that law enforcement authorities will pursue this case with urgency and ensure that justice is served,” pahayag ni CAAP Director Raul del Rosario.
Nangako din ang CAAP na makikipagtulungan sila sa local law enforcement agancies para sa isasagawang imbestigasyon.
Ayon naman kay Puerto Princesa City Police Chief Colonel Cristine Tabdi, iniutos na niya ang pagsasagawa ng imbestigasyon at pina-igting narin ang manhunt operation laban sa suspect.
Bumuo narin ang PNP ng special investigation task group (SITG) para tumutok sa kaso.
Umapila din ang mga awtoridad sa publiko o sinomang makakapagbigay ng karagdagang impormasyon sa insidente na makipagtulungan, at makipag-ugnayan sa PNP sa pamamagitang ng mga numerong 0998 598 5903 at 0977 855 7732.
The post AIRPORT MANAGER PINATAY NITONG ASH WEDNESDAY! appeared first on Journal News Online.