48 na mag-jowa ikinasal sa Hen. Tinio

HENERAL TINIO, Nueva Ecija–Apatnapu’t-walong magkasintahan ang ikinasal sa mass wedding sa bayang ito noong Miyerkules.

Binasbasan ang kasal sa unang pagkakataon ni Mayor Sherry Ann Bolisay at pangunahing saksi sina Vice Mayor Atty. Melvin S. Pascual at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Ang pagdiriwang ay opisyal na binasbasan ng Philippine Statistics Authority na kinatawan ni officer-in-charge Girlie De Guzman.

Nakiisa rin sa pre-ceremonial procession ang mga barangay captains kasama ang mga ninong at ninang, mga magulang, at mga opisyal ng local civil registry.

“Sapagkat ito po ang unang taon ko at unang kasalang bayan bilang mayor kaya gusto ko po talaga ibigay ang best para sa inyo,” sabi ni Mayor Bolisay.

Ang mga gastusin para sa mga seremonya ng kasal ay sinagot ng pamahalaang bayan kabilang ang mga singsing na pinasadya at regalong pera.

The post 48 na mag-jowa ikinasal sa Hen. Tinio appeared first on Journal News Online.

About admin