TUMAMBAD sa netizens ang nakalatag na alindog ng VMX star na si Jonica Lazo.
Sa isang Instagram post ng sexy star, ibinahagi niya ang nag-uumapaw at glowing niyang sarap.
Hindi nga lang weather sa ibinahaging mga larawan ang naghatid ng good vibes sa mga kelot, pati na rin ang killer body niya, goods na goods sa kanila.
Petmalu ang kurba ng kanyang body sa suot na puting two-piece bikini, at nagpaandar pa siya sa pagsusuot ng hat na talaga namang nakadagdag sa hotness ng hot actress.
Kasing puti at linis ng suot niyang swimwear ang kakinisan ng balat ng bebot, mala-pain ito sa mga barakong madaling bingwitin na bet na bet siyang kagatin sa kanilang pantasya.
Nakaramdam nga ng sarap ang mga nasa opposite sex sa kanyang comment section. Niratrat nila ng mga makamundong salita ang sexy photo ni Jonica.
“It’s illegal to look [this] so hot and sexy!” hirit pa ng isang netizen.
Wish nga ng mga tagahanga niya, more VMX films para kay Jonica.
Naitampok na sa iba’t ibang proyekto ng VMX si Jonica. Kabilang sa mga ito ang, “Isolated,” “Balinsayaw,” “TL,” at “Higop.”
The post Ooh la Lazo appeared first on Journal News Online.