Ibinahagi ni Ivana Alawi ang kanyang nakakatakot na karanasan noon sa isang fan na na-obsess sa kanya na pumasok pa sa kanyang bahay.
Nag-guest ang aktres/content creator sa YouTube vlog ni Small Laude at dito ay idinetalye niya ang kanyang weird na karanasan.
“‘Yung pinaka-weird na encounter ko, pumasok ‘yung isang fan sa loob ng bahay,” saad ni Ivana.
Tsika pa niya, umabot ng isang linggo ang pagdalaw sa kanya ng naturang fan at nagbigay pa ng resume na nagsasaad ng dahilan kung bakit siya dapat maging dyowa ng aktres.
“Nag-start siya pumunta sa bahay for one week straight. Una, nagbigay siya ng resume kung bakit dapat siya maging boyfriend ko, 10 pages Tita,” aniya.
“Tapos meron siyang dalang bulalo na nakalagay sa ice cream na box.
Tapos ‘yung folder na resumé niya and anong mga gagawin niya kung maging boyfriend ko siya. Call center agent siya, nandun sa resumé niya eh. Natakot ako tita,” pagpapatuloy ni Ivana
“Tapos bumalik ulit siya after pinasabi sa guard bawal pumasok. Pero iba, nakakalusot pa rin siya. And then nakita na lang siya ng driver namin na nasa loob na,” kwento pa ng aktres.
Nang tanungin daw ng driver nila kung sino ito, ang sagot daw ay boyfriend siya ni Ivana.
“Nasa loob na siya, pumapasok na siya ng bahay. Stalker, Tita,” sabi pa ni Ivana.
Simula raw noon ay iniwasan na niyang magpakita ng kanilang gate o labas ng bahay sa kanyang vlogs and posts.
“Kaya after nun maingat na ako sa gate. Hindi ko na pino-post ‘yung gate namin, ‘yung ganun,” anang aktres.
The post Ivana nawindang sa obsessed fan appeared first on Journal News Online.