Panday timbog sa kasong pagpatay

TIMBOG noong Lunes sa mga pulis ang panday na suspek sa pagpatay sa Brgy. Poblacion 15, Tingloy, Batangas.

Inaresto si alyas Danny, 46, ng mga tauhan ng Tingloy police batay sa warrant of arrest na inisyu ng presiding judge ng Regional Trial Court Branch 3 ng Batangas City para sa kasong murder.

Naipaalam sa akusado ang mga tungkol sa kanyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng Tingloy police.

The post Panday timbog sa kasong pagpatay appeared first on Journal News Online.

About admin