Pagkakaisa ng PH, China panawagan sa selebrasyon ng Chinese New Year

Chinese1Chinese2Chinese3Chinese4Chinese5Chinese6Chinese7Chinese8

Chinese9
Source: Isko Moreno Domagoso FB

NANGUNA sina Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa pagsalubong sa Chinese New Year sa Binondo na nakatuon sa panawagan ng pagkakaisa, katahimikan at matibay na ugnayan ng Pilipinas at China.

Mainit ding tinanggap ng alkalde ang pagbisita ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan at iba pang mga dignitaryo sa itinuturing na pinakamatandang Chinatown sa mundo upang makiisa sa pagsalubong sa Chinese New Year at manood ng drone lights display at fireworks show na itinaguyod ng nagsama-samang grupo ng Filipino-Chinese community.

“Through the leadership of our new Ambassador in the country, there will be more flights coming from China to Cebu. More flights, more tourists, more jobs and business for the country,” pahayag ng alkalde kasabay ng pagsasabing maging ang mga Manileño ay makikinabang dito.

Ibinahagi rin ni Domagoso ang matagal na pagsasalo sa kasaysayan ng mga Filipino at migranteng Chinese, kabilang ang kontribusyon ng mga sundalong Filipino-Chinese noong World War II, pati na sa kanilang mga iniwang pamana tulad ni Roman Ongpin.

“Alam po ninyo, magsiyasat po kayo. Hindi lang ho natin sila kasama para makipag-barter, makipagpalitan ng goods, at makipag-negosyo since time immemorial. Especially during World War II, there is a battalion group of Filipino-Chinese who fought against an occupier of this country,” kwuento pa ng alkalde.

Ito ang dahilan kaya’t hinimok ni Domagoso ang Manileños na panatilihin ang paggalang sa isa’t-isa sa kabila ng nakaraang hindi pagkakaunawaan.

“Let there be peace in our home, in our family, in our community, in our city, in our country, and our neighboring countries,” pagtatapos ng alkalde sa kanyang talumpati.

The post Pagkakaisa ng PH, China panawagan sa selebrasyon ng Chinese New Year appeared first on Journal News Online.

About admin