IKINATUWA ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang hakbang na payagan ang mga miyembro ng PhilHealth na ma-admit sa bakanteng pay ward beds sa mga pampublikong ospital kapag puno na ang mga basic ward.
Ayon kay Cayetano, positibo ang hakbang dahil matagal nang pinapayagan ito sa ilalim ng umiiral na mga patakaran.
“Sometimes the problem is not the absence of a new policy, but the failure to use what is already allowed,” aniya.
Binalikan niya ang pagtalakay noong nakaraang taon sa panukalang 2026 budget ng Department of Health, kung saan tinanong niya si Health Secretary Teodoro Herbosa hinggil sa mga bakanteng pay ward beds kahit puno na ang basic ward, lalo na sa malalaking ospital gaya ng Philippine General Hospital.
“If you go to PGH or any other government hospital at puno ang basic ward, ano ang remedy ng pasyente? Kung may bakante na pay ward, hindi ba pwedeng gamitin iyon?” tanong ni Cayetano.
Sumagot si Herbosa na maaaring ilagay ang pasyente sa pay ward kung may bakante, lalo na kapag may siksikan, ngunit nakadepende ito sa patakaran ng bawat ospital.
“Pwede. We can actually allocate to pay ward and get a patient there lalo na kung bakante siya,” sabi ni Herbosa, at inamin na iilan pa lamang ang gumagawa nito.
Nang tanungin kung pare-pareho itong ipinatutupad sa lahat ng pampublikong ospital, kinilala ni Herbosa na magkakaiba ang sistema at bukas siya sa pag-formalize ng ganitong kaayusan.
Binigyang-diin ni Cayetano na mahalagang magamit nang husto ang mga umiiral na pasilidad upang mabawasan ang siksikan at masigurong hindi napaghihintay ang mga pasyente.
“All Filipinos deserve the best social services. We must make better use of available facilities so patients are accommodated promptly and not left waiting for care. We want to make sure that no Filipino is left behind when it comes to health care,” dagdag niya.
The post Pag-admit ng PhilHealth members sa bakanteng pay ward beds pinuri appeared first on Journal News Online.