Naisugod pa sa ospital, binawian din ng buhay
NASAWI ang 62-anyos na lolo matapos maipit sa nasusunog nilang tahanan sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-5 ng umaga nitong Martes (February 17) nang sumiklab ang sunog sa residential area sa Barangay Baesa, sa lungsod.
Nagtangka umanong lumabas ang biktima sa nasusunog nilang bahay subalit naipit ito ikatlong palapag at nawalan ng malay.
Agad namang nailigtas ng mga bumbero ang lolo at isinugod sa ospital pero binawian din ito ng buhay matapos magtamo ng mga lapnos sa katawan at nalanghap na usok.
Ayon sa BFP, umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire out alas-6:02 ng umaga.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog na nagsimula sa ikaapat na palapag ng gusali.
The post LOLO HINIMATAY SA NASUSUNOG NA BAHAY, PATAY appeared first on Journal News Online.