Kim umamin V-day flowers galing kay Paulo

Inamin ni Kim Chiu na si Paulo Avelino ang nagpadala sa kanya ng flowers last Valentine’s Day na ipinost niya sa kanyang Instagram.

Nag-post kasi ang aktres ng bouquet of flowers na natanggap niya noong Araw ng mga Puso ngunit hindi niya sinabi kung kanino galing.

Ang caption lang niya ay, “Babae pala ako. Tenk yew.“

Pero hinala na ng fans na si Paulo ang nagpadala kaya kilig na kilig ang KimPau fans.

Sa grand presscon ng “The Alibi: Ang Buong Katotohanan” na ginanap ngayong araw, Feb. 16, diretsong natanong kay Kim kung kanino galing ang flowers na ipinost niya noong V-Day.

Hindi pa agad masabi ni Kimmy kung kanino pero sinabi rin niyang “siyempre, sa kanya,” sabay-turo kay Paulo na katabi niya.

Kasunod nito ay natanong naman si Paulo kung sa kanya ba galing ang flowers ni Kimmy at kinumpirma naman niyang “sa akin.”

Tungkol naman sa captain niyang ‘babae pala ako,’ paliwanag ni Chinita Princess, “ang dami kasing babaeng naglalakad sa kalye nun’g araw na ‘yun, nadadaanan ko lang galing akong ‘Showtime,’ dami namang naglalakad na nakahawak ng bulaklak. ‘Tong mga ‘to, super naman talaga sa pagka-long hair. Pag-uwi ko ng bahay, ‘ay may flowers din pala ako, girl pala ako, ganu’n. ‘Yun lang ‘yun.”

When asked kung ano ang pakiramdam na nakatanggap siya ng flowers, sagot ng aktres, “Siyempre, nakaka-girl talaga ‘pag bigyan ka ng flowers on Valentine’s kasi hindi naman ‘yan sa ga’no kalaki ‘yung bulaklak, super-dami, ganyan. It’s the thought that counts. Naalala ka,” sabay ‘thank you’ kay Paulo.

Kinilig naman ang lahat nang sabihin ni Paulo kay Kim na “masaya ako na masaya ka.”

Sigawan ang fans.

Samantala, matapos mapanood sa Prime Video, ipapalabas naman ang teleserye version ng “The Alibi” sa free TV. Mapapanood dito ang extended version ng original 14-episode series na nagtapos nitong nakaraang Enero sa nasabing streaming app.

The post Kim umamin V-day flowers galing kay Paulo appeared first on Journal News Online.

About admin