Matapos magsampa ng kasong cyber libel laban sa kanya ang beauty queen/actress na si Michelle Dee ngayong Lunes, Feb. 16, sumagot na ang tinaguriang ‘Pambansang Lalaking Marites’ na si Xian Gaza at nagbigay ng kanyang reaksyon.
Sa kanyang Facebook post, tila nang-aasar pa si Xian nang sabihin niyang sinampahan siya ng reklamo ni Michelle.
“BREAKING NEWS: Matapos ireklamo sa kasong illegal detention at pambubugbog, beauty queen na si Michelle Dee, nagsampa ng cyber libel laban kay Xian Gaza! Matapos nito sabihing nakipag-3some siya with Sam and Rhian!” ang saad ni Xian.
Sa sumunod niyang post, sinabi ng social media personality na ang pagsasampa ng kaso sa kanya ay tila strategy para ma-divert ang atensyon ng mga tao.
“Good move. Very strategic. Wais. Para ma-divert kay Xian Gaza Libel yung buong issue at malayo sa driver na binugbog nila at dinetain illegally,” sabi ni Xian.
Sinabi rin niya na dahil sa kaso ay nagmukha raw biktima si Michelle.
“The news headlines will become Michelle Dee VS Xian Gaza tapos siya na ngayon yung biktima na lumalaban,” aniya.
“Because let’s be real, the threesome tsismis did not hurt her career at all. Ilang taon ng maingay yung issue na yan. Nakatulong pa nga sa kanya actually.
“The truth is, nasira yung pangalan niya ng dahil kay Kuya Driver so kailangan nila ako ngayong kasuhan for damage control.
“At the same time, yung mga journalists, news agencies, and content creators na magpo-post sa kanya in the future ay mangingilag na. That’s the clear message for everyone. To save her name and career,” patuloy niya.
Saad pa niya na tila pa-sarkastiko, “I fully understand the bigger picture. In Tagalog, nauunawaan ko si Michelle Dee. Happy to help. May God bless her.”
“Yung mga tsismis sa buhay ng mga celebrities eh normal at madaling lusutan. Nakakatulong pa nga yan actually sa career nila. Ang mahirap eh yung ma-news headline kang nambugbog ng isang ordinaryong tao. Back out lahat ng projects niyan sayo,” aniya.
Sa huli, mensahe pa niya, “This too shall pass. Praying for Michelle. Sana maisalba pa niya.”
The post Xian sarkastiko reaksyon: Happy to help Michelle appeared first on Journal News Online.