ILANG netizens ang nag-akalang napaaga ang tag-init dahil iba ang dalang bagyong hotness ng VMX actress na si Sahara Bernales sa social media.
Napa-“Mama Mia!” ang mga barako sa lagablab ng mga larawan ng sexy star sa kanyang Instagram post.
Nasa dagat man si Sahara, biyaheng langit naman ang kanyang mga lalaking tagasubaybay sa mala-anghel na ganda ng bebot at mala-halimaw niyang hotness.
Maihahambing nga sa paraiso ang perpekto niyang hubog. Manlalaki ang mga mata ng kahit na sinong kelot na mapapatitig dito. May dalang nakakabaliw na karisma ang kanyang toned body, lalo na ang naglulusugan nitong mga alaga.
Breathtaking man ang ganda ng sunset at beach background sa larawan, pokus pa rin ang netizens kay Sahara na kabogera ang pag-awra sa suot na two-piece bikini.
Nasilaw ang mga kalahi ni Adan sa awra ng hot actress. Glowing na para bang hindi kumukupas ang kanyang alindog.
Muli na namang nalunod sa heart at fire emojis ang post ni Sahara. Talagang sabik sumisid sa mundo ng kanilang pantasya ang mga kalalakihan nang masilayan nila ang hubog niya.
Pati ang kapwa niya VMX actress na si Ataska Mercado, napa-react sa hotness ni Sahara.
Maraming beses nang naitampok si Sahara sa mga proyekto ng nasabing subscription based, video on-demand app, ilan sa mga ito ay The Marianas Web, Tampipi, Katas, at Hibang.
The post ‘Summer na ba?’ appeared first on Journal News Online.