Pangasinan VM humihingi ng tulong sa Comelec

NAGSAMPA ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) ang proklamadong bise alkalde ng Rosales, Pangasinan, John Kho, upang hadlangan ang pagpapatupad ng desisyon ng Regional Trial Court Branch 53 ng Pangasinan na nagbasura sa resulta ng Automated Counting Machine sa halalan noong Mayo 12, 2025.

Sa desisyong may petsang Nobyembre 24, 2025, binaligtad ng RTC ang proklamasyon ni Kho kahit na siya ay may lamang na 1,208 boto batay sa opisyal na ACM returns. Pinaboran ng korte ang manual recount.

Ipinahayag ng RTC na ang pisikal na balota ang “pinakamabuti at pinakakongklusibong ebidensya” ng intensyon ng botante at kinuwestiyon ang pagiging maaasahan ng ACM dahil sa mga nakitang pagkakaiba sa machine-generated returns at sa manu-manong bilang.

” Taliwas ito sa naunang pahayag ng Comelec na may 99.997% accuracy ang halalan,” ayon sa kampo ni Kho.

Naghain si Kho ng mosyon para sa descryption at pagpi-print ng ballot images na nakaimbak sa secure data storage ng ACM.

Aniya, mahalagang maikumpara ang digital images sa pisikal na balota upang mapatunayan kung may nangyaring aberya.

The post Pangasinan VM humihingi ng tulong sa Comelec appeared first on Journal News Online.

About admin