Matteo nagpasiklab kung gaano kaalam mga kanta ni Sarah G

NATUWA ang netizens sa actor-businessman na si Matteo Guidicelli matapos itong kumasa sa isang challenge kung saan nasukat ang kanyang kaalaman sa mga kanta ng mismo nitong asawa at singer-actress na si Sarah Geronimo-Guidicelli.

Sa isang video na ibinahagi ni Matteo sa social media, mapapanood ang aktor na game na game sa paghula ng mga ibinabatong kanta ng kanyang production team para sa “How well do you know SGG’s songs?”

“Of course, I didn’t back down. (How could I NOT know my wife’s songs????),” sey pa niya sa caption ng post.

May pampakilig na linyahan din si Matteo na swak sa nagdaang Valentine’s Day. “But beyond her angelic voice and those powerful, intense performance, I just love her so, so much,” aniya.

“Feels like home” para kay Matteo ang mga kanta ng kanyang asawa kaya nga raw almost every day niya itong pinapatugtog.

Kinilig naman ang netizens sa comment section sa paandar na ito ni Matteo.

“Tagahanga syempre ng wife niya, how sweet,” komento ng isang netizen.

“What a beautiful couple and inspiration to the new generation now!!!” banat pa ng isang Facebook user.

The post Matteo nagpasiklab kung gaano kaalam mga kanta ni Sarah G appeared first on Journal News Online.

About admin