
NAG-ALOK na ng P50,000 pabuya si San Manuel, Isabela mayor Faustino “Dondon” Dy IV para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek sa pagpatay sa dating beauty queen na si Miss Philippines-Earth 2013 runner-up Lullete Jane Ramilo-de Guzman.
Noong February 13, bandang 6:45 p.m., pinagbabaril ang 32 gulang na beauty queen habang nakasakay sa kanilang SUV sa harap ng kanilang bahay sa Cabaritan village. Nasaksihan ito ng tatlong anak ng biktima na kasama niya sa sasakyan.
Samantala, sinabi ng police director ng Isabela na si Manuel Bringas na mayroon na silang special investigation task force na binubuo ng provincial at town investigation at intelligence teams, kasama ang Criminal Investigation and Detection Group at iba pang kaagapay na unit para malutas ang krimen.
Sa isang panayam, sinabi ng live-in partner ng dating beauty queen na si Dr. Clifford Dela Cruz: “She was a responsible, sweet, and caring mother to our children.”
Nanawagan siya sa mga saksi na makipagtulungan sa ikalulutas ng krimen. Nagbabala rin siya sa mga salarin: “You will have your time in jail for the crime and attain justice for them.”
Sa isang Facebook post, inilarawan niya ang partner bilang isang matapang na babae: “She was a fighter. She stood bravely for parents who were afraid to speak. She stood against bullying in school. She stood up to authority when others were too intimidated to do so.”
“Now, her voice has been silenced, silenced by those who were offended by the truth she carried. But her courage will never be silenced. Her fight will never be forgotten,” aniya pa.
Hanggang ngayon, wala pa ring lead ang pulisya sa mga salarin.
The post Dating beauty queen na pinatay may advocacy against bullying appeared first on Journal News Online.