1.3M students makakatuloy ng pag-aaral dahil sa TES–Sen. Win

AABOT sa 1.3 milyong college students ang mas matutulungang magpatuloy ng pag-aaral sa pagpapatupad ng Tertiary Education Subsidy (TES) ngayong 2026 dahil sa pinalaking budget nito ngayong 2026, ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian.

Nakalagay sa 2026 national budget na itinaas sa P30.8 bilyon ang pondong ilalaan para sa TES ng mga underprivileged but qualified na estudyante, kasama ang mga mula sa mga lugar na walang state and local universities and colleges.

Mas mataas ito sa P21.7 bilyong inilaan para sa TES noong 2025.

Tiniyak din ng senador na may 200,000 TES slots para sa mga bagong estudyante sa kolehiyo mula sa mga pamilyang saklaw ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay Gatchalian, nakasaad sa isang special provision sa 2026 national budget na bibigyan ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST) ng prayoridad ang TES grantees na kabilang sa “Listahanan 3.0” at iba pang low-income households na hindi kabilang sa “Listahanan.”

“Tiniyak natin na ang tulong pinansyal sa kolehiyo ay mapupunta sa mga estudyanteng higit na nangangailangan.

Sa ganitong paraan, mas marami ang makakapagpatuloy at makakapagtapos ng kanilang pag-aaral,” sabi ni Gatchalian.

The post 1.3M students makakatuloy ng pag-aaral dahil sa TES–Sen. Win appeared first on Journal News Online.

About admin