MISTULANG hinamon ni Michelle Arceo ang dapithapon nang ihatid niya ang isang larawang hindi basta-basta malilimutan ng netizens. Sa kanyang post na may caption na “I need aloe,” tila may paandar si beauty queen na talagang may tama ang init at hindi lang dahil sa araw.
Sa larawan, makikitang nakaluhod siya sa buhangin habang hinahaplos ng alon ang kanyang balat. Suot ang isang animal-print na one-piece na kapit na kapit sa kurba ng kanyang katawan.
Lumutang rin ang kanyang makinis na balikat, balingkinitang baywang, at matapang na titig na parang kayang tunawin ang buong dalampasigan. Basang buhok, kumikislap na balat, at dramatic na kalangitan sa likuran — kumpleto ang eksena para sa isang pasabog na beach moment.
Hindi nagpahuli ang mga tagahanga sa comment section. “Hottie,” diretsahang sabi ng isa. May sumigaw pa ng “enough i’m burning,” habang ang iba nama’y tila hindi na napigilan ang kilig at paghanga. Agad umani ng libo-libong reaksyon ang naturang post, patunay na kahit anong oras, kayang maghatid ni Michelle ng tanawing hindi basta mapapawi sa isip.
Sa gitna ng alon at dapithapon, isang bagay ang malinaw, alam ni Michelle kung paano kontrolin ang eksena. At sa pagkakataong ito, siya ang tunay na apoy sa gitna ng dagat.
The post ‘Sit on me’ appeared first on Journal News Online.