Ang daming naaliw at kinilig na netizens sa post ni Matteo Guidicelli kung saan ay kumasa siya sa challenge na “How well do you know Sarah Geronimo’s songs?”
Mapapanood sa Instagram account ng aktor ang video kung saan ay ipinaparinig sa kanya ang ilang verse ng kanta ng asawang si Sarah G. at pagkatapos ay huhulaan niya ang titulo nito.
“Our @gproductionsph team asked if I could do a quick challenge, “How well do you know SGG’s songs?” as a fun test of our long relationship.
“Of course, I didn’t back down. (How could I NOT know my wife’s songs????),” simula ng caption ni Matteo.
“But beyond her angelic voice and those powerful, intense performance, I just love her so, so much,” saad pa niya.
Sinabi rin niyang araw-araw ay pinapatugtog niya ang songs ng misis niya.
“I still play her songs almost every day, not just because she’s SGG, but because her music feels like home to me,” aniya.
Sa video ay mapapanood na maraming songs na pinahulaan kay Matteo at lahat ng ito’y nakuha niya nang tama, which means perfect score ang aktor.
Sa kantang “Forever’s Not Enough” ay sinabi ng aktor, “This song can make somebody cry. Sarah’s voice is the best. She’s like an angel. Look, I’m tearing already.”
Sa isang bahagi ay nag-nostalgia pa siya at inalala ang unang pagkikita nila ng Popstar Royalty.
“I saw her in the hallways of ABS-CBN and I knew she was going to be my wife. That’s true, ha?” sey ni Matteo.
Samantala, ibinahagi rin ng aktor sa kanyang IG page na ipina-bless nila ang kapapaayos lang na restaurant sa Alabang kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.
“Don’t forget to smile! It’s Valentine’s Day.”
“We started our morning with a 9AM Mass to celebrate love, give thanks for the recovery and blessings of @dagiannimanilaALABANG WESTGATE and pray for safety and protection,” bahagi ng caption ni Matteo.
Makikita sa video na naroroon din si Sarah at magiliw niyang binati ang staff.
Matatandaang nawasak ang al fresco area ng restaurant ni Matteo matapos itong salpukin ng isang SUV.
Nagkaayos naman agad sila ng lady driver at hindi na ito humantong pa sa demandahan. Kaagad ding ipinaayos ng aktor ang nasirang area.
Barbie, Jak solo-solo sa V-Day
Walang ka-date si Jak Roberto nitong nakaraang Valentine’s Day dahil loveless pa rin daw siya matapos ang breakup nila ni Barbie Forteza noong January, 2025.
Ayon sa aktor ay focused muna siya sa kanyang sarili ngayon.
“Wala, eh (love life). Medyo, ito, busy nga sa trabaho. Speaking of, magkakaroon na rin ng teleserye, mag-start na kami ng taping,” sey ni Jak sa panayam ng ’24 Oras.’
“So kailangan natin ulit magpa-condition and mag-ready para doon. Trabaho muna,” dagdag niya.
Natatawa pa niyang sambit, “Me, myself and I.”
Samantala, tulad niya, wala pa ring love life ang ex-girlfriend niyang si Barbie at katunayan, solo ring nag-celebrate ang aktres ng Valentine’s Day.
The post Ipinaayos na resto ipina-bless nina Matteo at Sarah appeared first on Journal News Online.