KALABOSO ang sinapit ng lalaking crew na nahulihan ng baril noong nakaraang linggo sa Phase 1K, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal, ayon sa report.
Inaresto ang suspek at nakumpiska sa kanya ang cal .45 na baril, tatlong bala at isang magasin.
Napag-alaman na sangkot sa tangkang pagnanakaw at pagpatay ang suspek sa naturang lugar.
Ang inarestong suspek, si alyas Charmie, 20, kasama ng biktima nang maganap ang insidente, ayon sa report.
Sinabi sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto.
The post Crew laglag sa boga appeared first on Journal News Online.