Bea mas piniling magpatawad

PINILING magpatawad ni Bea Alonzo sa magdadalawang taong cyber libel casena isinampa niya laban kay Cristy Fermin at sa co-hosts na sina Wendell Alvarez at Rommel Villamor.

Kinumpirma ito sa inilabas na official statement ng legal counsel ng aktres na si Atty. Jose Manolo Garcia ng GERA LAW, kasunod ng public apology statement ng kampo ni Cristy Fermin.

“After two years of legal proceedings & with the case pending before the Regional Trial Court, this matter has run its course under the law. The process has not been easy for any party involved. It has required accountability, reflection & fortitude.

“It is within this context that I share the perspective that led our client, Ms. Bea Alonzo, to consider resolving this matter through mediation.

“This decision is neither an act of retreat nor concession. Rather, it is an act of resolve, anchored in forgiveness.

“Upon deep reflection, Ms. Alonzo has chosen to forgive. Not out of weakness but out of strength. Not to erase what was done, but to free herself from a cycle of harm & hostility that no longer serves her life or her purpose.

“She views this chapter not as something to carry forward but as something to close, with grace, dignity & peace.

“Moving forward, Ms. Alonzo wishes to focus on what truly matters, her work, her advocacies & her role as a woman who uplifts others, particularly those navigating their own silent battles.

“We ask that this moment be seen for what it truly is. Not merely an ending, but a powerful expression of emotional maturity, personal growth & courage.

“We thank all those who continue to respect both the legal process & the humanity behind it.”

Ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanilang YouTube channel na “Showbiz Now Na!” na inilabas noong February 11, na tinanggap na ni Bea ang kanilang paliwanag at pagpapakumbaba.

May 2024 nang maghain si Bea ng reklamong cyber libel kina Cristy Fermin, Ogie Diaz, at sa kanilang co-hosts dahil sa umano’y malisyosong komento laban sa aktres sa kanilang online show.

Noong July 2025, nag-isyu ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court laban kina Cristy, Wendell, at Romel. Nakapagpiyansa sina Cristy at Wendell noong sumunod na buwan.

Kris nagpapasalamat sa Global Pinoys

KrisHINDI lubos akalain ni House of Lies star Kris Bernal na buong-buo at tuluy-tuloy pa rin ang suporta sa kaniya ng mga tao, maging ang Global Pinoys sa iba’t ibang bansa, kahit na matagal siyang nagpahinga sa TV o pelikula.

Sa episode ng GMA Pinoy TV Podcast kung saan guest si Kris, ipinahayag ng aktres kung gaano niya nami-miss ang Global Pinoys lalo na ngayong nakabalik na siya sa telebisyon.

“Global Pinoys, kamusta po kayo? Na-miss ko naman kayo lahat. Alam n’yo everytime na pumupunta ako sa ibang bansa, may nagbabanggit talaga sa ‘kin ng mga ginawa kong shows. Tatawagin nila akong Tina, ‘yung Little Nanay, Impostora, Rosette, ganiyan-ganiyan. Binabanggit talaga nila ‘yung shows ko,” sabi ni Kris.

Sobrang natutuwa rin daw ang aktres dahil ang dami niyang nakukuhang feedback tungkol sa mga trabaho niya galing sa mga manonood. Ang kinagulat pa niya dito, galing ang mga mensahe ng suporta sa Global Pinoys galing sa iba’t ibang bansa.

“Mamaya may magme-message from Finland, from Riyadh, from Dubai, from Canada, from Australia. Hala, ang dami pa rin palang nanonood sa akin, hindi ko akalain,” sabi ni Kris.

Sa huli, pinasalamatan ng aktres ang lahat ng sumusuporta sa kaniya, “Kaya, Global Pinoys, thank you so much for your support.”

Panoorin si Kris sa episode ng GMA Pinoy TV Podcast kung saan ibabahagi ng aktres ang pagbabalik niya sa telebisyon.

Raymart masayang makasama uli si Jillian

Pic7ISANG cute na throwback photo ang ibinahagi ng aktor na si Raymart Santiago sa kanyang Instagram account kamamailan.

Screengrab ito ng isang lumang programa kung saan kasama niya si Star of the New Gen Jillian Ward.

Mula ito sa drama fantasy series na Home Sweet Home na umere noong 2013. Gumanap sila rito bilang mag-ama na biglang nag-iba ang ugali matapos pumasok sa isang misteryosong abandonadong bahay.

Ito ang huling pagkakataong nagkatrabaho sila ni Jillian bago mag-reunite sa bagong GMA Prime action-drama series na Never Say Die.

Mag-ama muli ang labas nila sa serye at masaya si Raymart na maging co-star muli si Jillian.

Idinagdag din ng aktor sa post ang ilang screengrabs mula sa Never Say Die.

“Biruin mo, after 13 years nagkatrabaho ulit tayo… congratulations anak @jillian #neversaydie,” sulat niya sa caption ng kanyang post.

Gumaganap si Raymart sa Never Say Die bilang pulis na na-frame up ng sindikato, habang si Jillian naman anak niyang gagawin ang lahat para linisin ang pangalan ng tatay niya.

Jon at Ronnie may hugutang posts

Pic8Pic9KINAAALIWAN ng netizens ang tila pabirong hugot post ni Jon Lucas tungkol sa bagong kasal na kaibigang si Ronnie Alonte.

Sa Facebook, ipinakita ng Sang’gre actor ang screenshot ng sunud-sunod na missed calls mula kay Ronnie.

Biro ni Jon, hindi niya nasagot ang tawag ng kaibigan dahil sa kakahanap niya ng kanyang picture sa kasal nito. Ikinasal na si Ronnie kay Loisa Andalio noong November 2025.

“Hindi ko nasagot kasi hanap ako nang hanap ng picture ko nung kasal mo tas naalala ko hindi nga pala ako inimbayt,” caption ni Jon.

May komento naman si Ronnie sa post na ito ni Jon: “Suplado to. Porket napapanood ko siya mag espada.”

Biro naman ng isang netizen sa post na ito ng Sang’gre actor, “Okay lang yan di naman din pwede brad HAHAHA”

Sagot naman ni Jon dito, “Pwede po sa kainan.”

Samantala, patuloy na napapanood si Jon Lucas bilang Daron sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang’gre.

The post Bea mas piniling magpatawad appeared first on Journal News Online.

About admin