Barbie mag-isang nag-V date

Mag-isang ipinagdiwang ni Barbie Forteza ang Valentine’s Day bilang loveless nga siya ngayon.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng Kapuso actress ang kanyang mga ginawa noong Valentine’s Day.

Makikita sa video na tila nag-check-in pa siya sa hotel at dito ay nag-breakfast siya mag-isa.

After breakfast, nagbihis na siya at pumunta sa sinehan para manood ng pelikulang “The Loved One” nina Jericho Rosales at Anne Curtis.

She wrote, “Took myself on a movie date.”

After watching the movie, pumunta naman siya sa favorite coffee shop niya para magkape pero puno ito kaya nagtungo siya sa iba.

Kinagabihan, nag-dinner naman siya sa kanyang favorite Italian restaurant.

Caption ni Barbie sa video, “Valentine’s weekend well spent.”

Mukha namang masaya ang aktres kahit wala siyang love life ngayon.

Matatandaang noong Enero, 2025 ay winakasan nina Barbie at Jak Roberto ang kanilang pitong taong relasyon.

The post Barbie mag-isang nag-V date appeared first on Journal News Online.

About admin