KINUWESTYON ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang Bureau of Customs sa talamak na smuggling ng sigarilyo sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means Committee nagtataka si Chua kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng intel funds ay hindi pa rin masawata ng BOC ang smuggling.
Sa pagdinig tinanong ni Chua si BOC Deputy Commissioner for Intelligence Romeo Allan Rosales kung ginagamit ba ng tama ng ahensya ang kanilang intel funds dahil patuloy silang nalulusutan ng mga smuggler.
Tugon naman ni Rosales kailangan pa niyang idouble check ang datos at impormasyon dahil ngayong taon pa lamang ang unang pagkakataon na pangangasiwaan niya ang intel funds nh BOC.
Ani Chua sa nakalipas na ilang linggo sunud-sunod ang matagumpay na operashon ng High Patrol Group kontra smuggling.
Sa nasabi ring pagdinig nadismaya sina Representatives Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro 2nd District at Miro Quimbo ng Marikina City 2nd District dahil tila hindi handa ang mga opisyal ng BOC nang humarap sila sa komite.
Maliban sa hindi pagsipot ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ay pinuna din ng mga mambabatas ang kawalan ng presentation ng mha Custom Official nang humarap dila sa hearing.
Sa mga susunod na pagdinig target ng komite na tutukan ang posibleng pagkakasangkot ng ilang BOC officials sa cigarette smuggling activities sa mga pantalan sa bansa.
Kasunod ito ng mga reklamog kinakaharap ni dating BOC-Customs Intelligence and Investigation Service Director Thomas Narcise at dating BOC CIIS Field Station Chief-Port of Manila Paul Oliver Pacunayen na kapwa idinadawit sa operasyon ng large-scale smuggling.
The post MAMBABATAS KINWESTYON BOC, TINANONG BAKIT INTEL FUNDS DI MASAWATA SMUGGLING appeared first on Journal News Online.