Labis ang pasasalamat ng batikang kolumnista at host na si Cristy Fermin gayundin ang dalawa pang co-hosts nito sa YouTube vlog na sina Romel Chika at Wendell Alvarez kay Bea Alonzo matapos iatras ng aktres ang kasong cyber libel laban sa kanilang tatlo.
Inanunsyo ni Nanay Cristy na napakiusapan nila ang aktres at nagkaroon na ng maayos na kasunduan sa pagitan nila.
“Kami ay naniniwala talaga na ang komunikasyon ay napakahalaga po sa kahit anong aspeto ng buhay. Dumaan po kami sa mediation. Nakapaglantad po ng sama ng loob si Bea Alonzo sa amin at nauunawaan namin ‘yun,” pahayag ni CSF.
“‘Yung amin pong paliwanag ay tinanggap ni Miss Bea Alonzo. Ang pagpapakumbaba namin, hindi lang po kami, pati si Bea Alonzo po, nagpakumbaba. Inintindi niya kami kung paanong inunawa din po namin ang kanyang trabaho,” saad pa ni Nanay.
“Pinaliwanag po namin sa kanya na kahit kailan, wala po kaming ninais na siya’y saktan, siya’y sirain o wasakin. Walang-wala po,” aniya pa.
Kaya naman mapagkumbabang nagpahayag ng pasasalamat si ’Nay Cristy sa aktres maging sa mga abogado nito.
“Bea Alonzo, salamat sa pang-unawa mo sa aming hanay. Kung paanong nirerespeto ka rin namin at pinahahalagahan namin ang iyong sining,” pahayag ng batikang host at manunulat.
Bukod dito ay naglabas din ng public apology ang tatlong hosts para kay Bea at sa kanyang pamilya.
“We are issuing this heartfelt and sincere apology to Ms. Bea Alonzo and her family for the harm caused by our statements and postings about her on our social media platforms. We deeply regret the unintended and unfortunate consequences of our actions, including the public persecution that Ms. Alonzo has endured.
“It was never our intention to defame, offend, or harm Ms. Alonzo in any way. We realize now that our words might have fallen short of the respect and fairness that everyone deserves, especially someone who has dedicated her life to her craft and her audience.
“We resolved to cease and desist from any further commentary or content that would put Ms. Alonzo in a negative light.
“We are truly grateful to Ms. Alonzo for her willingness to work towards resolution and healing.
“To Ms. Alonzo, we extend our gratitude. We are hopeful that we can both move on from this chapter with a renewed understanding and mutual respect.
“Thank you to everyone for your understanding. and for giving us the chance to rectify our unintended shortcomings,” ang nakasaad sa public apology statement nina Nanay Cristy, Wendell at Romel.
Matatandaan na taong 2024 naghain ng kasong cyber libel si Bea sa tatlo sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil sa sunod-sunod na pahayag ng mga ito laban sa aktres sa kanilang vlog.
The post Bea nahilot ng public apology… kasong cyber libel vs Cristy at dalawang co-hosts, iniatras appeared first on Journal News Online.