Vangie Labalan, 83

Vangie1
source: CCM Film Productons FB

PUMANAW na ang beteranang aktres na si Vangie Labalan sa edad na 83.

Kinumpirma ang malungkot na balita ng kanyang anak na si Carlo Labalan sa isang pahayag sa Facebook nitong Huwebes. Ayon sa kanya, namaalam ang kanyang ina sa Australia matapos magkasakit, habang kapiling ang mga pinakamamahal nito sa buhay.

Sa kanyang post, inilarawan ni Carlo ang kanyang ina bilang isang mapagmahal na ina, lola, kapatid, tiyahin at kaibigan. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa lahat ng nagmahal at sinuportahan ang aktres sa iba’t ibang yugto ng kanyang buhay.

“Her memories will forever remain in our hearts,” aniya.

Inaasahang iuuwi sa bansa ang labi ni Vangie sa mga susunod na araw, at iaanunsiyo pa ang detalye ng burol at libing. Humiling din ang pamilya ng dasal at patuloy na suporta sa panahong ito ng pagdadalamhati.

The post Vangie Labalan, 83 appeared first on Journal News Online.

About admin