Scavenger binoga, ligtas

BINARIL at nasugatan ang isang scavenger ng hindi nakilala at nakatakas na suspek habang namumulot ng basura noong Biyernes sa Halang Road, Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna.

Ayon sa Binan City Police, nagtamo ng tama ng bala sa likod ang biktimang si alyas John na ngayo’y ginagamot sa Ospital ng Biñan.

Sakay ng silver na sasakyan ang suspek na tumakas matapos ang pamamaril sa biktima dakong alas-12:50 ng hatinggabi.

The post Scavenger binoga, ligtas appeared first on Journal News Online.

About admin