Paulo gumanti sa stalkers: Para patas lang

Tila may paparazzi sa labas ng bahay ni Paulo Avelino na ilang araw na raw kinukuhanan ng pictures at videos ang labas ng kanyang bahay.

Sa kanyang X account ay ipinost ng aktor ang larawan ng dalawang babaeng naka-face mask na aniya ay nagpi-picture-taking sa labas ng kanyang tahanan.

Makikita rin sa larawan na may police car sa harapan nila at tila kinakausap sila ng mga pulis.

“Since ilang araw niyo rin naman na kinukunan ng picture and video yung labas ng bahay namin, okay lang naman din siguro na i-post yung picture niyo para patas lang,” caption ni Paulo.

Sa comment section ay may mga naghinala na ang dalawang babae ay fans nina Paulo at Kim Chiu o KimPau.

Pero ayon naman sa isang KimPau fan, “May mga nababasa akong hindi sila kilala ng mga usual KimPau na pumupunta sa mga events, therefore I conclude hindi yan KimPau… so sino kaya sila?

Mga content creator? Ang creepy.”

Umalma rin ang fans ni Paulo at nakiusap na bigyan ng privacy ang aktor.

“Let’s give them privacy, they deserve personal space and respect. We need to set boundaries as fans. They bring happiness to us, but that doesn’t mean it’s okay to go to their homes or take private photos. Real fans would never invade their privacy. Please be careful our dear Pau,” saad ng fan ng aktor.

The post Paulo gumanti sa stalkers: Para patas lang appeared first on Journal News Online.

About admin