Maris tinawag na ‘tirador ng mga vocalist’

Ang daming naintriga sa caption ni Maris Racal sa kanyang ipinost na dalawang larawan sa Instagram nitong Huwebes kung saan ay makikitang magkatabi sila ng Cup of Joe vocalist na si Gian Bernardino.

Ang mas lalong nakakaintriga ay may hawak pang bouquet of flowers si Maris at kitang-kita ang kanyang kilig habang si Gian naman ay medyo nakahilig sa bandang kanang balikat niya.

“Plot twist,” maikling caption ni Maris na may emoji na white heart.

Naka-tag pa si Gian sa kanyang post.

Sa comment section ay sari-sari ang reaksyon ng mga netizen. May nagsabing baka raw may nilulutong colalaboration sa pagitan ng dalawa.

Ang iba naman ay nagtatanong kung magdyowa na ba sila at may mga nagbiro pa na mahilig daw sa bokalista si Maris na matatandaaang naging boyfriend din si Rico Blanco na dating vocalist ng Rivermaya.

“Plot Twist dahil guest s’ya sa G on Top,” komento ng isang fan.

“I KNEW IT!!!! COLLAB SONG???” sey naman ng isa.

“Wala na finish na,” saad naman ng isang netizen.

“Maris as saint patron na tirador ng mga vocalist,” hirit naman ng isa pang netizen.

The post Maris tinawag na ‘tirador ng mga vocalist’ appeared first on Journal News Online.

About admin