Kris gusto na ring magkaroon ng senior citizen card

PAGKATAPOS matanggap ni megastar Sharon Cuneta ang kanyang senior citizen card, natuwa ang fans ni Kris Aquino nang sabihin ng tinaguriang Queen if All Media ang isa sa kanyang birthday wishes.

Sa February 14, magdaraos si Kris ng kanyang 55th birthday. Sa pamamagitan ng Instagram, inihayag niya ang kanyang birthday wishes: ang makaabot ng 60 taong gulang at ang magkaroon ng senior citizen at PWD cards.

Ayon sa kanyang Instagram post noong Huwebes, February 12, sinabi ni Kris na nagpapasalamat siya at nakaabot siya ng 55 sa kabila ng paglaban sa autoimmune diseases.

Bahagi ng kanyang post: “I am now praying to reach 60 so I’ll have both a PWD (Person With Disability) and Senior Citizen’s Card. So many online establishments don’t accept the PWD as a valid government issued ID. I never learned how to drive. I only have my passport.”

Nagbigay rin siya ng update sa kanyang unti-unti paggaling pagkatapos ng anim na linggo sa ospital at pagsailalim sa isang minor surgery.

“I’m not yet allowed to walk outside until 4 weeks after my stitches are removed, but I’m now able to walk unaided and seldom do I ask for my wheelchair,” ayon kay Kris.

Sa pamamagitan ng isang podcast, ipaliliwanag diumano niya pagkatapos ng limang linggo ang dahilan kung bakit ingat na ingat siyang huwag mahulog, o magiging delikado ang kanyang kalagayan.

“I’ll be coproducing my on-cam podcast and hopefully 5 weeks after the last of my stitches are removed I’ll start producing ‘immunity cells’ because right now I am severely immunocompromised,” ayon sa kanya.

Ibinalita rin ni Kris ang mga hakbang na ginagawa para sa showbiz career ng anak na si Bimby.“Bimb is still undergoing his training including a few skills that may surprise you, and i’m leaving his career planning to someone I trust,” pagbabahagi niya. “They were also flexible about sharing Bimb with another group as far as music is concerned.”

Hinikayat din niya ang kanyang mga tagasubaybay na mag-iwan ng mga tanong sa comments section ng kanyang Instagram page. Nangako siyang sasagutin ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya.

The post Kris gusto na ring magkaroon ng senior citizen card appeared first on Journal News Online.

About admin