PATULOY umano sa pag-duty sa kaniyang trabaho ang isang tauhan ng Bureau of Customs kahit pinatawan ito ng suspensyon ng Office of the Commissioner.
Sinasabing dumalo pa sa pulong sa BOC kaugnay sa anti-smuggling operations ang naturang opisyal.
Ang pulong ay may kaugnayan sa pagkakakumpiska ng PNP HPG sa mga smuggled na sigarilyo.
Wala pa namang impormasyon mula sa Office of the Commissioner kung binawi na ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang suspensyon.
Pero ayon kay Customs Asst. Commissioner Philip Vincent Maronilla, umiiral pa rin ang suspensyon.
At ang insidente aniya kung saan nakita ito sa BOC ay may kaugnayan umano sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa kaniya.
Sinagot din ni Maronilla ang mga isyu na wala umanong formal written suspension.
Paliwanag ni Maronilla, may inilabas na kautusan sa suspensyon dahil hindi pwedeng ipatupad ang suspensyon kung verbal lamang ito ginawa.
January 7 nang kumpirmahin ni Nepomuceno ang suspensyon dahil sa mga alegasyong sangkot siya sa iregularidad.
The post ‘Suspendidong’ customs official tuloy pa rin sa duty? appeared first on Journal News Online.