CAMP OLIVAS, Pampanga–Nahuli noong Huwebes ang lalaking suspek sa robbery- hold-up sa dalawang branch ng Alfamart sa Santa Maria, Bulacan noong Pebrero 11.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas Ariel, 37, security guard at tubong Samar.
Ayon sa ulat, bandang alas-7:28 ng gabi nangyari ang hold-up sa Alfamart 3 sa Brgy. San Jose Patag, Santa Maria, Bulacan.
Nanlaban ang suspek at nagkaroon ng komprontasyon bago siya nahuli.
Napag-alamang ang nadakip na suspek ay sangkot din sa isa pang robbery incident na naganap alas-6:54 ng gabi sa Alfamart 5 sa Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan.
Narekober mula sa suspek ang motorsiklo, isang baril na may apat na bala, 1 jacket, 1 sling bag, Security Bank ATM at P18,876.97 na ninakaw mula sa dalawang Alfamart branch.
Kasalukuyang inihahanda ang mga kasong 2 bilang ng robbery, frustrated homicide at paglabag sa RA 10951.
The post Suspek sa 2 holdap tiklo sa Bulacan appeared first on Journal News Online.