MULING may nagliyab sa Brgy. Tañong, Malabon noong Miyerkules ng gabi kaya binalikan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Unang sumiklab ang apoy alas-11:26 ng umaga noong Miyerkules na nagresulta sa pagkaabo ng tirahan ng 135 na pamilya at pagkasugat ng isang lalaki at babae.
Nagpadala ang Malabon local government sa mga nasunugan sa covered court ng Brgy. Tañong ng mga tents, water purification system, pagkain, kumot, kulambo at banig.
Dinalaw ni Mayor Jeannie Sandoval, kasama ang mga kawani ng City Social Welfare and Development, City Health Office at Malabon DRRMO, ang mga nasunugan at nangako ng karagdagang tulong sa mga susunod na araw.
The post Sunog sa Malabon nagliyab muli; Sandoval umayuda appeared first on Journal News Online.