Igorot Stone Kingdom owner nabili ng ₱29M Rolls-Royce ng mga Discaya

KINUMPIRMA ni Pio Velasco, may-ari ng Igorot Stone Kingdom, na siya ang nanalo sa bidding para sa 2023 Rolls-Royce Cullinan na dating pag-aari ng mag-asawang Discaya na nasangkot sa kontrobersyal na flood control project anomaly.

Ayon sa post ni Velasco sa social media, nabili niya ang ultra-luxury SUV sa halagang ₱29 milyon sa isinagawang public auction ng Bureau of Customs nitong Pebrero 11, 2026.

Matatandaang naging usap-usapan ang naturang Rolls-Royce matapos banggitin ni contractor Sarah Discaya sa isang panayam sa telebisyon na binili niya ang sasakyan dahil sa “free umbrella” nito — isang pahayag na naging viral at pinagmulan ng samu’t saring reaksyon online.

Sa kanyang caption, sinabi ni Velasco:

“We are the IGOROTS – And this is our Flex. To show the world what we can do. That we are far from the lowly and ignorant people we are being depicted to be.”

Ibinahagi rin niya na matagal nilang pinaghandaan ang bidding at sinigurong “utmost secrecy” ang kanilang hakbang upang matiyak ang panalo. Ipinakita pa niya sa video ang interior ng sasakyan, na ayon sa kanya ay gawa umano sa Hermes bags leather ang seats.

Ayon kay Velasco, layunin ng pagbili ng sasakyan na pasiglahin ang turismo at ekonomiya sa kanilang lugar. Aniya, bumabagal ang negosyo sa kanilang lokalidad — may mga gusali, hotel, at resort na ibinebenta at maraming maliliit na negosyo ang nahihirapan dahil sa mababang bilang ng turista.

Sa pamamagitan ng bagong acquisition, umaasa silang magkaroon ng dagdag na atraksyon ang lugar at mahikayat ang mga tao na umakyat upang makita nang personal ang “historical piece” na Rolls-Royce—lalo na ang sinasabing “mahiwagang payong.”

“Stirring the waters? Yes, it’s a must. To help our local economy… Risky but it’s all there is to life,” ani Velasco.

The post Igorot Stone Kingdom owner nabili ng ₱29M Rolls-Royce ng mga Discaya appeared first on Journal News Online.

About admin