TALAVERA, Nueva Ecija–Anim na suspek na nagsusugal ang naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Nueva Ecija Provincial Field Unit noong Pebrero 3 sa Brgy. Bakal.
Nahuli ang mga sugarol habang nagsusugal ng drop ball at color game na paglabag sa Presidential Decree 1602.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Enriquez, 21; ang tinukoy na drop ball operator; alyas Boy, 16; ang color game operator; alyas Valdez, 31; Nabor, 48; Corpin, 25; at Francisco, 56.
Samantala, si alyas Ayra, ang itinuturong may-ari ng sugalan, nananatiling at large.
Sinabi ni Col. Grant Gollod, hepe ng CIDG-Nueva Ecija, na nagpanggap na mga bettor ang mga undercover operative upang matukoy ang mga operator at kalahok sa ilegal na pagsusugal.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang P2,048 na bet money, card game board, embudo; apat na tapete; tatlong ping-pong ball; isang color game board; at tatlong kahoy na dice.
Dinala ang mga suspek sa tanggapan ng CIDG-Nueva Ecija para sa booking procedure, dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso.
The post 6 na nagsusugal ‘napusoy’ sa NE appeared first on Journal News Online.