Vice Ganda nagbabala sa mga scammer na gumagamit sa kanya

Vice1Vice2Nagbigay ng babala si Vice Ganda sa publiko laban sa mga scammer na gumagamit ng kanyang pangalan at mga lumang video upang makapanloko ng mga tao.

Ni-repost ng Unkabogabke Star sa kanyang mga socmed account ang online sites na nagpapakalat ng fake news at gumagamit ng kanyang mga lumang content upang makapangloko.

“SCAM ALERT! May mga gumagamit ng lumang live videos ko at nagpapanggap na ako para makapang-scam! HUWAG PO KAYONG PALOKO!” ang babala ni Vice Ganda sa publiko.

Paalala pa niya sa lahat, “Tanging VERIFIED FACEBOOK ko lamang po ang opisyal at tunay na ginagamit ko dito sa Facebook.”

Babala pa niya, “Kung may kahina-hinalang activity mula sa non-verified accounts na ginagamit ang aking pangalan, i-report agad! Mag-ingat at maging mapanuri!”

The post Vice Ganda nagbabala sa mga scammer na gumagamit sa kanya appeared first on Journal News Online.

About admin