Lalaking Tsino, bebot huli sa buy-bust sa Negros Occ.

SWAK sa selda ang isang lalaking Tsino at isang babae sa isinagawang buy-bust ng mga operatiba ng Victorias CCPS Negros Occidental Provincial Office-Victorias CCPS.

Nasabat ang mahigit 110 gramo ng shabu na nagkakahalaga P748,000 sa buy-bust na isinagawa sa Ditching Subdivision, Barangay 5, Victorias City, nitong Martes.

Nakilala ang mga suspek na sina alias Pop (No. 19 na HVI sa Regional Level), 43, may asawa, helper, residente ng Villa Cristina, Brgy. 21, Victorias City, at si alyas Mariel, 38, dalaga, at residente ng Ditching Subdivision.

Ayon kay Regional Director Police Brig.General Arnold Thomas Ibay, ng Negros Island Region, bandang 10:30 ng umaga nang ikasa ang buy-bust.

Inaresto ang mga suspek nang iabot ng Tsino ang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa police poseur-buyer kapalit ng buy-bust money.

Nasabat ng mga operatiba ang transparent plastic sachet at pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, mga parapernalia at ang P1,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya ng Victorias CCPS.

Ang imbentaryo ng mga nasamsam at narekober na ilegal na droga ginawa alinsunod sa Sec. 21 ng RA 9165.

Ang mga nasabat na drug items ay dadalhin sa Negros Occidental Provincial Forensic Unit, Bacolod City para sa laboratory examination.

The post Lalaking Tsino, bebot huli sa buy-bust sa Negros Occ. appeared first on Journal News Online.

About admin