DEAD on the spot ang isang 23-anyos na estudyante matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng Fernando Poe Jr. LRT Station at masagasaan ng sasakyan sa kahabaan ng EDSA northbound sa Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.
Batay sa imbestigasyon ng Project 6 Police Station 15 (PS15), bandang alas-10:29 ng umaga nang nahulog mula sa ikatlong palapag ng estasyon ang biktima.
Sa kasamaang-palad, pagbagsak ng biktima ay nabangga pa ito ng isang itim na kotse.
Ayon sa isang babaeng saksi, inakala niya na may damit na inihagis pero iyon pala ay isang lalakibg estudyante batay sa suot niyang ID.
Dumating ang mga magulang ng biktima sa pinangyarihan ng krimen at puno ng hinagpis ng makita ang nakahandusay na anak.
“Graduating na siya ngayon, walang problema sa grades ang anak ko, kausap ko lang siya kanina, siya pa ang nagbukas ng gate sa akin,” ayon sa ama ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.
Samantala, yon sa pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), kinumpirma nilang ang biktima ay tumalon mula sa naturang istasyon bago naganap ang trahedya. Agad na rumesponde ang mga awtoridad at emergency personnel, ngunit idineklarang wala nang buhay ang estudyante.
Pansamantalang naapektuhan ang operasyon ng tren habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.
The post ESTUDYANTE NAHULOG SA LRT STATION, NASAGASAAN, PATAY appeared first on Journal News Online.