

SUGATAN ang isang babae matapos salpukin ng rumaragasang kotse ang e-trike na sinasakyan nito sa kahabaan ng F. Manalo Street sakop ng Barangay 897, Sta. Ana, Maynila madaling araw ng Miyerkules,
Sa kuha ng CCTV, bandang 5:02 ng madaling araw ay dahan dahang binabagtas ng biktima ang nasabing lugar sa kanyang minamanehong e-bike nang mahagip ng kotse na nag-counterflow.
Sinubukan pang tumakas ng driver ng kotse subalit napigilan siya ng mga residente. Mabilis naman rumesponde ang mga tanod at barangay opisyal sa pamumuno ni kagawad Rico Pascual at inalam ang nangyari.
Hinanap nila ang dri`ver ng kotse hanggang sa nakita itong palakadlakad sa pinangyarihang lugar.
Dinala ang driver sa barangay upang imbestigahan ngunit hindi makausap. Pinaniniwalang lasing ito at umano’y amoy alak.
Agad naman dinala sa ospital ang biktima at kasalukuyang inoobserbahan at ginagamot.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek matapos i-tinurn over ng mga opisyal nng barangay.
The post E-bike vs kotse sa Sta Ana; babae sugatan appeared first on Journal News Online.