KINAALIWAN ng netizens at trending ang blooper ng broadcast journalist na si Karen Davila sa isang live TV report. Sa halip na “Karen De Guzman” ang banggitin, sariling pangalan niya ang kanyang nasabi on air.
Relate na relate naman ang netizens sa nangyari. Napuno ng good vibes ang comments section ng naturang post ng ABS-CBN News. Ilan sa mga komento ang: “Pasok ’to sa yearend bloopers. Hahaha!” “Dear kaya today?” at “It’s the ‘ayy!’ for me haha.”
May nagkomenta pa ng, “At dhil jan, million views kna.”
Paliwanag naman ni Karen, tila naging default na lamang ang kanyang nasabi. “Alam mo ’yung parang nag-automatic ’yung utak mo?” aniya.
The post Blooper ni Karen Davila nag-trending: Yung ayyy! ang nagdala appeared first on Journal News Online.