Anak ni Rochelle mas na-excite sa BINI

Pic4Rochelle

SUPER proud ang dancer-turned actor na si Arthur Solinap sa kanyang wife, ang singer-rapper, dancer, actress at tumatayong leader ng (dating) grupong SexBomb Girls na si Rochelle Pangilinan dahil nakagawa ito at ang kanyang mga kasama ng panibagong kasaysayan sa concert scene.

Wala pa man ang popular girl-group ngayon na BINI ng ABS-CBN ay meron nang sikat na girl-group noon, ang SexBomb Girls na namayagpag nung early part ng 2000 na binuo ng dating Vicor Dancer/choreographer na si Joy Cancio na siyang tumayong manager-choreographer ng grupo. Ang pangalan ng grupo ay hango sa hit dance song ni Tom Jones nung 1999, ang “Sexbomb”.

Ang SexBomb Girls ay siyang opening number dati ng noontime show na “Eat Bulaga” at nagsisilbi rin silang back-up dancers ng nasabing programa nina Tito, Vic & Joey (bilang main hosts).

Nung kapanahunan ng grupo, nakagawa sila ng anim na top-selling and multi-platinum albums tulad ng “Unang Putok” nung 2002, “Round 2” nung 2003, “Bomb Thr3at” nung 2004, “Sumayaw, Sumunod: The Best of the SexBomb Girls,” nung 2005, “Daisy Siete V-Day” nung 2006 at ang “Vaklushii” nung 2006. Hanggang ngayon ay alam pa rin ng mga tao laluna ang mga bata ang kanilang mega hit single na “Spageti” na tumatak nang husto sa grupo.

Pinasok ng SexBomb Girls ang acting with their manager na si Joy Cancio producing their daily afternoon series na “Daisy Siete” on GMA na tumagal sa ere nang maraming taon. Pero nang magtapos sa ere ang serye ay nagkahiwa-hiwalay na ang grupo.

Matagal-tagal na ring panahong na-disband ang SexBomb Girls at nagkani-kanya na rin ang mga dating miyembro ng grupo with Rochelle na siyang leader ng grupo ay nag-concentrate sa kanyang pagiging aktres.

Nag-asawa si Rochelle sa kapwa niya Kapuso actor na si Arthur Solinap na isa ring dancer-actor. Ikinasal ang dalawa nung August 8, 2017 at nagkaroon sila ng anak na si Shiloh na isinilang nung February 24, 2019, taon na nabuo ang girl group na BINI.

Si Arthur ay first cousin nina Dindong Dantes at Carlo Gonzalez habang pamangkin naman nila ang isa pang Kapuso young actor na si Paul Salas.

Habang lumalaki si Shiloh ay na-develop ang kanyang pagiging fan ng grupong BINI kaya tuwang-tuwa ito nang maging special guest ang grupo sa dance concert ng SexBomb Girls sa SM MOA Arena last February 6, 7 & 8, bilang follow-up sa kanilang two-night sold out concerts sa Araneta Coliseum nung December 4, 2025 na sinundan ng panibagong repeast concert sa SM MOA Arena the following week. At nito lamang nakaraang February 6, 7 & 8, 2026 ay tatlong sold-out concerts ang muling ipinamalas ng grupo. Dito ay naging special guest performers ng grupo sina Regine Velasquez-Alcasid, Gary Valenciano, Gloc-9 at BINI.

Natutuwa si Rochelle dahil halos lahat ng kanilang special guests ay nag-waive ng kanilang talent fee.

Ang inakalang simpleng pangarap lamang ni Rochelle ang pagkakaroon ng reunion concert ang SexBomb Girls ay gagawa pala ng kasaysayan sa concert scene.

Ngayon pa lamang ay isa na namang 6th major concert ang muling pina-plano ng grupo for their “Get, Get, Aw! rAWnd 6” pero pagkatapos na ito ng kanilang first international concert on March 27 & 28, 2026 sa Dubai at Abu Dhabi produced ng NY Entourage Productions.

Samantala, tuwang-tuwa ang almost 7-year-old daughter ng mag-asawang Arthur at Rochelle na si Shiloh dahil personal niyang nakaupang palad ang kanyang hinahangaang girl-group, ang BINI at nagpakuha pa siya ng picture sa mga ito.

Joshua sinorpresa si Jopay habang nagpi-perform

Pic5ON the SexBomb Girls reunion concert at the SM MOA Arena last February 7, 2026 ay muling sinorpresa ni Joshua Zamora (ng Maneouvres dance group) ang kanyang wife of almost twelve years na si Jopay Paguia (ng SexBomb Girls) ng second marriage proposal on stage habang may solo dance number siya. While she was being lifted on air nang siya’y ibaba ay wala siyang kaalam-alam nakaluhod na sa stage with matching box na naglalaman ng ring si Joshua kasama ang kanilang dalawang anak na sina Alessa at Ariana (by his side). Habang nagsisigawan ang mga tao sa audience sa kanyang pagtalikod ay sinorpresa siya ng kanyang mister kaya hindi niya napigilan ang mapaiyak sa sobrang tuwa.

Ang buong akala ni Jopay at ng audience ay naroon lamang si Joshua para alalayan ang kanyang wife who did an almost death-defying solo dance number. Apparently, alam ng director at mga kasamahan ni Jopay sa SexBomb Girls ang mangyayari dahil naka-cue ang mga bata para umakyat ng entablado to join their dad.

Naging bonus attraction ang second marriage proposal ni Joshua kay Jopay sa ika-apat na sold-out reunion concert ng grupo.

Pelikula ni Direk Brillante, hindi totoong walang script

PicPic1HINDI naman pala totally walang script ang mga pelikulang pinamahalaan ng award-winning director na si Brillante Mendoza. Merong script ang production pero hindi umano siya nagbibigay ng script sa kanyang mga artista dahil gusto niyang sila na mismo ang nagbibigay ng kanyang linya as raw as possible base sa kanilang respective characters na ginagampanan. Ang style na ito ay siyang minana ng kanyang protégé na si Coco Martin na hindi rin nagbibigay ng script sa cast ng “Batang Quiapo”.

First time nakatrabaho ng premyadong director in one movie ang dalawang movie icons na sina Charo Santos-Concio at Boots Anson Roa-Rodrigo gayundin ang Kapuso prized young actress na si Barbie Forteza.

Ayon sa 2009 Cannes Film Festival Best Director na si Direk Brillante, he wrote the script with Charo, Boots and Barbie in mind.

Inamin naman pareho nina Charo at Boots sa mga dumalong entertainment media na kung ang pelikulang “Until She Remembers” ay inalok sa kanila when they were both in the 20s ay malamang daw na hindi nito ito tinanggap dahil iba umano ang sitwasyon noon kumpara ngayon that they both in their 70s and 80s.

Kakaibang love story ang ipinakita sa “Until She Remembers” kung saan isang wagas na pagmamahalan ang ipamamalas ng dalawang babae hanggang sila’y pinaghiwalay ng pagkakataon at panahon at muling magkikita kung saan ang isa sa kanila ay nasa home for the aged at meron nang Alzhiemer’s disease. Pero dahil sa kanilang unconditional love para muling pagtatagpuin ang dalawa at muling manunumbalik ang alaala ng isa at magpapatuloy ang kanilang unwavering love for each other. Malaki naman ang magiging papel ni Angel (played by Barbie) for her grandmother na si Concha (Charo Santos) para muli nitong mahanap ang kanyang one true-love na si Catherine (Boots Anson Roa-Rodrido).

Produced by Solar Studios and Center Stage Productions, ang “Until She Remembers” ay mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong February 25, 2026.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

The post Anak ni Rochelle mas na-excite sa BINI appeared first on Journal News Online.

About admin